Tuesday, November 30, 2004

you the pair


Jayjay Diane
yang dalawa na yan ay aking mga true friends... medyo magkamukha na sila di ba>?? anyway
wala me again work so i feel free to do things na gusto ko. am alone the whole day just me and my Avril lavign (CD walkman) naalala ko lang si jayjay and ang mga kadramahan niya tapos si diane din. mizz ko na tong dalawa na ito.. ang papa ko at tingaling ko. anyway talagang reflect na reflect talaga thru friends .. maganda yan at gwapo! hmmm as they say birds in the same colors flocks together.. err you get what i mean.. ! they are my true friends.


Monday, November 29, 2004


Allen Iverson doing the moves against M.J.
i'm missing the sangkan 4 were i played like iveson.. (interdwende)

Have a little Faith in me


San chai.. i miss you

i know i've been wrong before

and until now.. i'm wrong but atleast..

Uyy si san chai yan ng meteor garden (anyway.. cno ba di nakakakilala sa kanya) she is relevant to me before (kahit hangang ngayon pa din) it was so cold here in seattle. it's my day-off. petty officer Jose called me and asked if kung uuwi ako sa pilipinas dahil may pipirmahan pa daw ako mga affedavit regarding my navy thing. hay di ako makatakas ah! hehehe.. pero up to now nga ay di ko alam kung uuwi ako, payag na lahat. pamasahe na lang ang kulang. oh di ba astig! tom. ay day off ko ulit.

My thanks giving

Thanks giving

November 25,2004

Okay naman ang Thanksgiving ko ..

I spent it at Covington with my relatives, at first ay kila auntie zeny then sinundo kami ni auntie Lina. We spent it at Auntie Divina’s house. Masaya coz andito sila mama and papa who just arrived. Lahat kami magpipinsan ay nagkitakita, ang daming food as in. I drunk a little while having conversation with them. Eto na yoong pinakapasko dito. It was not that much compare to pinas pero what can I do? Hindi nanaman nagpaparamdam ang inaasahan ko..

it was so cold outside, umuwi na kami at around 12 a.m. na. i still have work tomorrow kaya i try na matulog agad pero di naman ako makatulog.. nagiisip lang. kahit marami nang nakain ay parang gutom pa rin ako. kase di ako satisfied. tnx God at finally my father got a job that he wanted , sana ako din!

Wednesday, November 24, 2004

rainy day

it was raining outside, im at Southcenter mall at KCLS library. i am alone, sayang coz may party kami ngayon sa Mcdonalds for thanksgiving pero di na ata ako makakapunta coz malayo ito sa seattle nang kaunti and perhaps it would start na. so what i will do is to shop and that's it.
Listening to Alicia keys.. remembring someone




Saturday November 20, 2004

My longest day since I got here

Vietnamese noodles, “punked” at the casino and sleepless working

My longest day journey starts at around 6 p.m. at my grandma’s house. (Actually, I woke up this day at around 5 a.m.) It was Saturday so most of us are on day-off but unfortunately ay ako lang ang hindi. Doesn’t matter coz kagagaling ko lang sa sakit kaya gusto ko gumala. Kagagaling ko lang sa work so I am tired coz we were so busy at the store and I am placed at the 2nd booth (damn! I hate running and presenting orders) am totally exhausted but… my auntie zeny came with some of her Insurance agents friend with ate Levi. After my uncle and auntie sign in for life insurance, it is time for me and cazin T.J. to do our stuff. Vietnamese noodles! I am hungry… siyempre to convience them ay kailangan ng matinding pampaparinig. Successful naman coz itineareat naman kami. We went to Renton at Pho Nuong store. Masaya naman coz la na kami ginawa kundi mang bola… later on ay naisipan na nilang pumunta sa tapik-tapik! Ei I want to go din…

Before heading home ay dumaan kami sa Rainier beach Mcdonalds to get some foods for my other cazin, as usual I took advantage of my 50% discount (this is the only reason why am stayin at McD, for real!!) I talked to Auntie Nort, buzzing me about her mobile phone that she lend me a week ago, I didn’t able to bring it back coz I forgot it home and my sked is too tight. (Too tight of playin around and entertaining myself) We went to auntie zeny’s house 1st so they could change. Damn I watched the replay again of the ugliest NBA game ever, The Indiana at Detroit game. The Pacers against the crowd, it seems that it was life and death situation. They really fought for their lives, go Ron Artest, you the man! (errr, Ben Wallace too for starting it all)

Tawagan na and tawagan .. ayaan na for casino (tapik- tapik) we went to grand ma’s place para kami naman ang magchange. My Auntie Divana and Uncle Caloy were there so they’ll go with us at muckleshoot casino. Drove to Renton with Auntie Levi, I got sleepy while on the road, it was a cold day.

Malayo din ang casino,we thought that haharangin kami coz we are minor pero hindi naman, nagtuloy-tuloy lang kami ni cazin tj. Dinala agad kami sa may discohan pero di kami nagsayaw kasi naman ay puno angsayawan. It features Bob Marley dati si Elvis Presley. Ang ingay sa loob so we went outside to look for auntie Divina and Uncle Caloy. Lakad doon, lakad dito! Later on ay nagkita kita na din. So looking for beautiful gals here but all of em looks mature and taken, no minor just us (we were blessed by then) Auntie Zeny gave us 10 bucks each for puhunan. Yup I gamble for the 2nd time, pero cympre sa machine lang (un lang ang alam ko eh)I played JAGUAR(3 cents) damn exciting… it pays more than I bet, it seems that I’ll be going home having the last laugh but… it pays nothing, then and then. It is a cliché in this kind of career (if I may say so) and will never be not... I lost! Am a damn looser.. Anyway enough of this, me and caz tj lost so nothing to do but to loiter around the area. Later on “hey you” I knew the milieu how it was said, my heartbeat fasten as I walk and then. “why” I said, “can I see your I.D.?” WHAT I said to myself.. it was a security. I showed my navy id as I thought to earn as an excuse but it didn’t happen. What? Did I hear it right? Yes I did. Cousin Tj and me go all the way outside while security aide us like a celebrity. It was all right at first, niloloko pa nga namin yoong mga lumalabas sa casino eh, tinatagalog namin and then they are like duh!

Minutes later as people goes and leave the money generating building, temperature rising down and iciness arise. (cont.)

Friday, November 19, 2004

Isang kakaibang umaga...

Isang umagang kakaiba….

November 18, 2004

Isang mapayapang
pag-gising ang sumalubong sa akin subalit ito ay kakaiba.......


Broken bow ang unang
kanta kong napagingan ngayong umaga sa aming radio na di na pinapatay“Tell me
again I want to know, who broke my faith in all this years who lays at you at
night, when I’m here all alone, remembering when I was your own” pagkabangon ko
ay bubuksan ko na ang aking kurtina pero asan na ang kurtina ko? Agaran kong
tiningnan ang cellphone ko para mabasa ang mga goodmorning messages and ung mga
nakatulugan ko nang katext subalit wala ni isa… teka teka! Asaan na yoong mga
poster ko sa dingding at bakit wala ung electricfan ko na pumupugak na dahil sa
dami ng dumi nito? Itetext ko na sana ang F4 kung may lakad kami sa pacific
tapos magseselect pero wala ang mga numbers nila sa phonebook ko then iba ang
phone ko, biglang umiksi. Nanlalabo ang aking paningin… ni di lamang nagtext ang
baby ko kelang alam naman na niya na aalis na ako, pati si
eden,matet,liff,karish joko,f4 mga co-sems. ko at iba pa. nakakalimot na ata
sila. nagugutom na ako.. nakapagtataka naman na di pa ako binubulabog ni mama
para pagsampayin ng mga labada niya. Aba 101.5 relax? Di ba dapat bigsound? Hay
ang ginaw eh march na ah , di panaman December. Somethings wrong…. Im wearing
socks? Ngii bakit? “Marlon,Marlon! Ito na yoong pulot pukyutan at lemon. Inumin
mo para mawala na yang sakit mo” WHAT! Si lola asa pinas? Tumingin ako sa aking
paligid sabay hawak sa aking leeg. Ang init ko, may lagnat pala ako.


Astig noh? This
happens to me this morning. Ang taas ng lagnat ko and because of that ay di ako
nagwork. Pati maliit kong kuwarto ay namimiss ko na, siguro pati si mama dahil
wala sila dito for about 3 months na din. Siyempre pati mga friends ko dyan na
may kanyakanya nang life. Tumingin ako sa aking cellphone, walang tawag at
walang messeges. Tumingin ako sa labas at napaka tahimik. Wala ni isang tao…
feelings ko ngayon ay nag-iisa ako sa mundo. Naalala ko si God, siguro
kagustuhan niya ito para maalala ko naman siya, ang tagal ko na ding hindi
nagdadasal. Nakaklimot na ako sa kanya. Im now here sick and alone, aba tumutulo
na pala ang sipon ko kasabay ng aking luha. “ sa pagitan ng dalawang madilim na
gabi ay isang magandang araw”




Monday, November 15, 2004

Bulag ka ba??


Ilang mga tanong sa mga taong may paningin
subalit bulag…


1. May isang taong
nagmamahal sa iyo. Siya ay mabait, parating andiyan sa tabi mo kung kailangan mo
siya, handang makinig at magbuhos ng oras sa iyong mga phone calls at mga
kuwento, sinasabi niya sa iyo na masaya siya pag kausap at kasama ka niya,
pinaparamdam niya na may paki-elam siya sa iyo. Madalas niyang sabihing mahal ka
niya. Nag kataon namang mayroon kang iniibig na iba. Nakasentro ang buhay mo sa
iyong iniibig kaya naisantabi mo na ang nagmamahal sa iyo…



Papaano kung ang taong
iyong iniibig ay may iniibig nang iba? Ano ang mararamdaman mo kung ikaw naman
ang naisantabi? Sana ay huwag mong kalimutan na mayroon pa ding mga taong
nagmamahal sa iyo at marahil ay umaasa na mahalin mo din.




2. ikaw ay umiibig. (kayo
man o hindi) halos lahat ng gusto mo ay nasa kanya na. matalino, madaldal,
maganda ang buhok’t ngiti ang ilan-ilan. Sa ikli ng panahon na magkakilala kayo
ay parang ang tagal niyo nang magkakilala. Nahulog ang loob mo sa kanya, naging
isa na siya sa iyong mga buhay.dahil sa kanya ay parati kang masiyahin,
palangiti at mapagbigay. Kung gaano ka kasaya ay ganoon ka din kung malungkot
pagdating sa kanya…



Papaano kung isang araw
ay naalala mo siya? Dahil wala ka nang maisip na dahilan upang di siya maalala
ay nag tanong ka na lang sa iyong sarili. iniisip din niya kaya ako? O habang
isinusulat mo ang kanyang pangalan ay tinanong mo ang iyong sarili, isinusulat
din niya kaya ang pangalan ko sa isang pirasong papel? Nag aalala din kaya siya
sa akin tulad ng pagaalala ko pag di pa siya tumatawag? Papaano kung ang sagot
sa mga tanong mo ay “hindi”?... ano ang pakiramdam? Unfair di ba…. Pero
magpaganoon pa ma’y tanungin mo muna ang iyong sarili kung naiisip mo ba ang
iyong magulang o ang mga taong nagpapahalaga sa iyo bago pa ang taong “iniibig”
mo..? sa kadahilanang sila ang tunay na nagmamalasakit. Maramdaman mo man o
hindi ay wala kang karapatang sabihing “hindi ka mahal” ng iyong magulang.



Maraming pagkakatan na
tayo ay nagiging bulag sa mga bagaa-bagay. Kadalasan nga ay nawawalan tayo ng
pag asa kung di natin naabot ang ating pangarap. Sana ay imulat natin ang ating
mga mata lalo na sa mga oras na akala nating tayo ay nagiisa na mayron sa ating
nagmamahal at kasama sa buhay.




November 15, 2004


My Day-off


It's raining hard outside.
i woke up late pero ok lang coz it's my day-off. any plan for this day? wala. I
remember that article this early coz i felt na i am the same pace again. I wrote
that at seminary when I'm at my junior year. I was in between of my heart ache
then. Things change from time to time ... feel ko ngayon na ibang-iba na talaga
ang life ko and sa palagay ko ay di ako kasing saya noong asa Pilipinas pa ako.
Lots of improvements but lots of demotion either. why am staying at my work
which i only earn minimum wage? (McDonalds) I really want to find another job.
look my cousin got a job in which he earn 9.50 per hour to think that it was his
1st job too and me 7.16 even am working na for about 6 months.. no raise.. no
over time pay.. no bonus! no 40 hour per week! it seems unfair. pero am happy
naman doon coz magaan ang trabaho. our store closed for about a month and i am
transfer to M.L.K. damn! am surprise that it was 99% pinoy workers and
eventually ay pati customers. tagalugan nga sa store eh kaya masaya. when im
there ay parang ang bilis ng oras. para ngang beer na nakakapagpalimot ng mga
problema eh kaya minsan nga ay i wish na doon na lang ako sa loob ng store
magtira but that's beyong reality na. kahit mahina ang kita ko ay magstay na ako
doon until dumating na ang shipdate ko. shipdate? yah i damn join the US navy
and i passed all the scary qualifications. i am now on the DEP status thou am
training and going to the office, i earn nothing. for real after boothcamp im
set for life. if i can do well in the boothcamp and learn the thing that I
really scared of. to swim! I'm 4 years at the seminary and I didn't learn how
to. I really need to find a 2nd job so i can earn enough for my vacation at
Philippines before i start my active duty. My officer just called me and he
wanted me to go and have physical exercise again. am exhausted of doing that so
i just told him na i'm working right now. I got 5 years contract as H.M. (
Hospital corpsman) naku.. ewan ko ba eh di naman ako magaling sa science and
takot ako sa laman but i choose that course. sabagay that course is towards
nursing naman which i will take for a year after my contract ends. what ever
happens ay i'm set to that but the problem is how about the time remaining bago
yoon. gusto ko umuwi sa pilipinas since wala nman ako pinagkakaabalahan dito and
my friends are all there. I'm not really sure about the things that im doing
right now.... im not satisfied and am not happy.