Isang kakaibang umaga...
Isang umagang kakaiba….
November 18, 2004
Isang mapayapang
pag-gising ang sumalubong sa akin subalit ito ay kakaiba.......
Broken bow ang unang
kanta kong napagingan ngayong umaga sa aming radio na di na pinapatay“Tell me
again I want to know, who broke my faith in all this years who lays at you at
night, when I’m here all alone, remembering when I was your own” pagkabangon ko
ay bubuksan ko na ang aking kurtina pero asan na ang kurtina ko? Agaran kong
tiningnan ang cellphone ko para mabasa ang mga goodmorning messages and ung mga
nakatulugan ko nang katext subalit wala ni isa… teka teka! Asaan na yoong mga
poster ko sa dingding at bakit wala ung electricfan ko na pumupugak na dahil sa
dami ng dumi nito? Itetext ko na sana ang F4 kung may lakad kami sa pacific
tapos magseselect pero wala ang mga numbers nila sa phonebook ko then iba ang
phone ko, biglang umiksi. Nanlalabo ang aking paningin… ni di lamang nagtext ang
baby ko kelang alam naman na niya na aalis na ako, pati si
eden,matet,liff,karish joko,f4 mga co-sems. ko at iba pa. nakakalimot na ata
sila. nagugutom na ako.. nakapagtataka naman na di pa ako binubulabog ni mama
para pagsampayin ng mga labada niya. Aba 101.5 relax? Di ba dapat bigsound? Hay
ang ginaw eh march na ah , di panaman December. Somethings wrong…. Im wearing
socks? Ngii bakit? “Marlon,Marlon! Ito na yoong pulot pukyutan at lemon. Inumin
mo para mawala na yang sakit mo” WHAT! Si lola asa pinas? Tumingin ako sa aking
paligid sabay hawak sa aking leeg. Ang init ko, may lagnat pala ako.
Astig noh? This
happens to me this morning. Ang taas ng lagnat ko and because of that ay di ako
nagwork. Pati maliit kong kuwarto ay namimiss ko na, siguro pati si mama dahil
wala sila dito for about 3 months na din. Siyempre pati mga friends ko dyan na
may kanyakanya nang life. Tumingin ako sa aking cellphone, walang tawag at
walang messeges. Tumingin ako sa labas at napaka tahimik. Wala ni isang tao…
feelings ko ngayon ay nag-iisa ako sa mundo. Naalala ko si God, siguro
kagustuhan niya ito para maalala ko naman siya, ang tagal ko na ding hindi
nagdadasal. Nakaklimot na ako sa kanya. Im now here sick and alone, aba tumutulo
na pala ang sipon ko kasabay ng aking luha. “ sa pagitan ng dalawang madilim na
gabi ay isang magandang araw”


0 Comments:
Post a Comment
<< Home